Wanted posters ni Joma, Ka Roger inilabas na

MANILA, Philippines - Inilabas na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang posters ng 20 personalidad na wanted sa media killings sa bansa sa pangunguna ni CPP-NPA Founder Jose Maria Sison at NPA spokesman Gre­ gorio “Ka Roger “ Rosal.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome na ipakakalat ang mga posters sa mga bus stations, da­ungan at mga lugar na ma­dalas dinarayo ng mga tao upang mapabilis ang pag­bibigay ng hustisya sa mga pinaslang na mediamen.

Nangunguna sa talaan si Joma, P10 M ang reward, Ka Roger P5M habang ang P3.235M o kabuuang mahigit P18M pa ay para naman sa ikaaaresto ng may 18 pang suspek na karamihan ay mga hired killers na sangkot sa extra judicial killings.

Sina Joma at Rosal ay wanted sa batas kaugnay ng umano’y pagpatay sa brodkaster na si Nelson Nadura ng Masbate City noong Disyembre 2, 2003. (Joy Cantos)

Show comments