Suporta bumuhos sa Bagumbayan

MANILA, Philippines – Umabot sa 2,000 delegado ang nagpakita ng suporta kay Senator Richard Gordon kasabay ng grand launching at national convention ng Bagumbayan Movement na sumusuporta din sa kanyang kandidatura sa Presidential race.

Kinumpirma naman ni Bagumbayan President Leon “Porong” B. Herrera na umaabot na sa P25 milyon ang natatanggap na donasyon ng grupo.

Dahil sa nakitang pag­suporta ng mga miyem­bro sa Bagum­bayan move­ment, nani­niwala si Gordon na kung sasabak man siya sa 2010 presidential race, ito ay para tuparin ang nais ng par­tido na ma­bigyan ng pagbabago sa pama­mahala ang bansa.

Kung may ilang nag­sasabing mahirap mang­yari ang pagbabagong nais ng lahat, naniniwala si Gordon na sa kanyang experience at track re­ cord posible itong ma­abot. (Butch Quejada)


Show comments