Suporta bumuhos sa Bagumbayan
MANILA, Philippines – Umabot sa 2,000 delegado ang nagpakita ng suporta kay Senator Richard Gordon kasabay ng grand launching at national convention ng Bagumbayan Movement na sumusuporta din sa kanyang kandidatura sa Presidential race.
Kinumpirma naman ni Bagumbayan President Leon “Porong” B. Herrera na umaabot na sa P25 milyon ang natatanggap na donasyon ng grupo.
Dahil sa nakitang pagsuporta ng mga miyembro sa Bagumbayan movement, naniniwala si Gordon na kung sasabak man siya sa 2010 presidential race, ito ay para tuparin ang nais ng partido na mabigyan ng pagbabago sa pamamahala ang bansa.
Kung may ilang nagsasabing mahirap mangyari ang pagbabagong nais ng lahat, naniniwala si Gordon na sa kanyang experience at track re cord posible itong maabot. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending