Singaporean na umabuso sa Pinay DH kinasuhan

MANILA, Philippines – Isang employer sa Singapore ang kina­suhan ng pagmamaltrato sa kanyang domestic helper na Pilipina.

Nahaharap sa paru­sang tatlong taong pag­kabilanggo kapag napa­tunayang nagkasala ang akusado na si Annie Tan, 38-anyos.

Ayon sa isang ulat ng Straits Times, isang pa­hayagan sa Singapore, na noong Setyembre 2008, sinunggaban ni Tan ang ulo ng katulong niyang Pilipina na si Vilma Lambino Manuel bago iniuntog ito sa isang dingding nang tatlong beses sa kanyang bahay sa Bishan.

Sinampal pa umano ni Tan si Manuel kaya nagdugo ang ilong nito bago niya hinawakan ang kanang braso ng katu­long at kanyang tinad­yakan ang kaliwang hita ng biktima.

Isinampa ng prosecutor ang apat na count ng abuse laban kay Tan.

Naatasan ng korte si Tan na humarap dito muli sa Hunyo 10.


Show comments