Villar probe papabor sa mga presidentiable

MANILA, Philippines – Naaayon umano sa balak ng Palasyo ang ginagawang imbestigas­yon ng Senado laban kay dating Senate President Manny Villar dahil puma­pabor ito sa mga tatakbong pangulo ng bansa sa 2010 elections.  

Ayon ka Sen. Alan Peter Cayetano, tagapag­salita ng minorya sa Se­nado, nakikisakay at gi­na­gamit ng mga politikong nagbabalak tumakbo sa 2010 presidential election ang nasabing imbestigas­yon laban kay Villar.

Kinondena din ni Caye­tano sina Sens. Panfilo Lacson at Jamby Madrigal dahil sa maling pagha­hawak at pagdinig sa kaso ni Villar. Aniya, kung ma­iaayos ang rules sa natu­rang imbestigasyon ay tiyak na lalabas na ino­sente si Villar sa kaso dahil ang mga akusasyon laban dito ay nangyari noong hindi pa ito senador.

Malaki naman ang pa­ni­­niwala ni Cayetano na tak­tika ni Lacson na buk­san sa media ang imbesti­gasyon sa Lunes upang mapahaba ang pagdinig at durugin si Villar dito.

“Halatang tinahi-tahi ang reklamo kay Villar hanggang sa rules para humaba ang political hearings at kuyugin si Villar sa harap ng kamera at mapa­nood ng buong Pilipinas,” sabi pa ni Cayetano. (Ellen Fernando)  


Show comments