Yap, Punocommencement speakers sa PUP

MANILA, Philippines - Panauhing pandangal sina Agriculture Secretary Arthur Yap at dating Commission on Higher Education Chairman at ngayon ay pangulo ng United Coconut Chemical Inc., na si Carlito Puno sa isasaga­wang pagtatapos ng ma­higit 3,000 estudyante sa Polytechnic University of the Philippines sa Biyer­nes, Mayo 8.

Tatanggap din si Yap ng honorary degree in Public Administration habang si Dr. Puno naman ay makakatanggap ng Doctor in Educational Management honorary mata­pos ang isasagawang speech ng mga ito.

Si Executive Vice Pre­sident Victoria Naval na kasalukuyang officer-in-charge ng university ang maggagawad ng honorary titles kina Yap at Puno.

Samantala, magbi­bigay din ng mensahe ang Summa Cum Laude na si Marife del Mundo na nakakuha ng grade na 1.205 at Magna Cum Laude Ronalyn Sebuc na may grade na 1.280. Ang dalawa ay kapwa mula sa College of Cooperatives.

Show comments