MANILA, Philippines - Nakapag-uwi si Pangulong Arroyo ng $1.2 bilyong investment para sa pag-develop sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) sa Clark Economic Zone sa Pampanga.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, ang ikalawang pinaka-mayaman sa Saudi Arabia na si Sheik Nasser Kharaffi ay nakahandang maglaan ng $1.2 bilyon para sa development ng DMIA matapos itong makausap ni Pangulong Arroyo sa Cairo, Egypt.
Bukod sa nasabing investment, nakuha rin ng Pangulo ang suporta ng Syria at Egypt para sa adhikaing makakuha ng observer status sa Organization of Islamic Conference (OIC).
Wika pa ni Sec. Remonde, magtatayo din ang Pilipinas ng Welfare Center sa Egypt para sa OFWs. (Rudy Andal)