^

Bansa

Pacman ayaw munang pauwiin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Health at ng World Health Organization si People’s Champ Manny “Pacman” Pac­quiao at mga kasama niya na ipagpaliban muna nang limang araw ang pag-uwi nila sa Pilipinas mula sa United States.

Ginawa ng dalawang ahensya ang panawagan nang makatanggap sila ng report hinggil sa pag­kakaroon ng third generation human to human transmission sa Los Angeles, USA ang A(H1N1) influenza virus na dating tinawag na swine flu virus.

Kasalukuyan pang nasa LA si Pacquiao, ilang miyembro ng kan­yang pamilya at iba pa nyang kasamahan ka­sunod ng matagumpay na laban niya sa Briton na si Ricky Hatton sa Las Vegas sa naturang bansa noong Linggo.

Takda sanang duma­ting sa Pilipinas sina Pacquiao sa Biyernes pero iminungkahi ni DOH Secretary Francisco Du­que na huwag munang umuwi ang grupo ni Pac­quiao makaraang mapa­ulat na isang tao mula sa Mexico at merong A(H1N1) ang nakapasok sa Los Angeles at nahawahan ang ibang tao rito. Isa anyang indikasyon ito na kumakalat na sa LA ang virus.

Sinasabi ng WHO na dapat munang maobser­bahan ang grupo ni Pac­quiao bago pauwiin sa Pilipinas para matiyak na hindi sila nahawahan ng A(H1N1).

Pinayuhan din ni Du­que ang Pacquiao entourage na kung maaari ay huwag na silang lumibot o makisalamuha sa ibang mga tao habang nasa Los Angeles at sa halip ay magkaroon ng self-impose quarantine sa loob ng pitong araw.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Team Pacquiao para kumbin­sihin sila na sundin ang kanilang rekomendasyon.

Nauna rito, isang en­grandeng heroes welcome ang inihanda ng Maynila para sa pagbalik ni Pacquiao sa Maynila bukas dahil sa tagumpay niya sa kanyang laban kay Hatton.    

Sinabi ni Duque na batay sa payo ng WHO, may limang araw ang kailangang hintayin para makita kung magkaka­roon ng sintomas ng A(H1N1) si Pacquiao o sinuman sa kanyang mga kasama.

Samantala, hindi na matutuloy ang sele­brasyon sa national day of celebration na idi­neklara ng Palasyo sa Biyernes para kay Pac­quiao bunsod na rin ng payo ng WHO at DOH na i-delay muna ng 5 araw ang pag-uwi ng Team Pacquiao.

BIYERNES

CHAMP MANNY

DEPARTMENT OF HEALTH

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MAYNILA

PACQUIAO

PILIPINAS

SHY

TEAM PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with