^

Bansa

'Impeach Gutierrez' inaprub ng House

-

MANILA, Philippines – Inaprubahan kahapon ng House Committee on Justice ang pagsusulong ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutier­rez dahil sa pagiging “sufficient in form” nito.

Bumoto ang 28 kon­gre­sista para maipasa ang 33-pahinang reklamo laban kay Gutierrez na isinampa noong Marso.

Gayunman, nilinaw ni Committee Chair at Que­zon City Rep. Matias Defensor Jr., na ang nasa­bing bilang ng mga mam­babatas ay sapat na para ipasa ang nasabing impeachment complaint matapos na kuwestiyunin ng ilang kongresista ang tamang bilang nila para magkaroon ng “quorum”.

Ang nasabing reklamo ay isinampa ni dating Senador Jovito Salonga at ilan pang organisasyon matapos na iabsuwelto ng Ombudsman si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa maanomalyang bidding ng Mega Pacific, isyu sa P728m fertilizer fund scam at ang resulta ng imbesti­gasyon ng World Bank sa mga construction firms na sangkot sa ko­rup­siyon.

Nagbanta din si Sa­longa sa mga kongresista na dadalhin nito sa Korte Suprema ang usapin sakaling abusuhin ng mga ito ang kanilang kapangyarihan hinggil sa impeachment complaint.

Susunod na pagbobo­tohan ng komite ang “substance” o sustansiya ng impeachment complaint. (Butch Quejada)


BUTCH QUEJADA

CITY REP

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMMITTEE CHAIR

HOUSE COMMITTEE

KORTE SUPREMA

MATIAS DEFENSOR JR.

MEGA PACIFIC

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with