Shooting ng pelikula, telenovela sa NAIA bawal muna

MANILA, Philippines – Bawal munang mag­sagawa ng shooting ng pelikula, telenovela o patalastas sa Ninoy Aqui­no International Airport (NAIA) bilang pag-iingat sa nakakahawa at naka­mamatay na “AH1Ni virus.”

Pansamantala ring sinuspinde ni Manila International Airport Authority General Manager Al Cusi ang pagi-isyu ng “access pass” na karaniwang ibinibigay sa mga taong maaaring makapasok sa lobby o customs area para sumalubong o mag­hatid ng kanilang kaanak o kaibigan ng pasahero. 

Pinagbabawalan na rin ang mga airport personnel at ibang kawani na pumunta sa lugar na di­nadaanan ng mga pasa­hero maliban na lamang ang mga empleyado na ang trabaho ay asika­suhin ang mga pasahero.

Limang thermal scanners ang balak bilhin nga­ yon ng MIAA na nagka­ka­halaga ng tig-P1.4M dahil bukod sa arrival ay mag­lalagay din sa departure areas sa NAIA 1, Centennial Terminal 2 at NAIA 3. 

Ang mga ginagamit ngayong thermal scanners ay nabili pa noong 2003 nang magkaroon ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) outbreak.

Nagsimula na ring magsuot ng kanilang face masks at hand gloves ang mga airport personnel bukod pa sa flu vaccine na makukuha nila kasa­ma na ang mga ba­kuna sa anak, asawa at mga kasama sa bahay.

Maging ang BI office sa Maynila ay nagsusuot na ng face mask bilang pag-iingat na hindi kaka­lat ang virus sa kanila dahil sa mga passport ng mga dayuhan na posib­leng kontaminado ng vi­rus. (Butch Quejada/Ellen Fernando)


Show comments