Airport personnel pinabakunahan ni Libanan kontra 'AH1N1 flu virus'

MANILA, Philippines - Inatasan ni Immigration Commissioner Mar­celino LIbanan ang lahat ng kan­yang mga tauhan na na­katalaga sa mga pa­ngu­na­hing airport sa bansa na magpabakuna upang ma­labanan ang swine flu.

Sa direktiba ni Li­banan sa kanyang mga head supervisors sa iba’t ibang international airports at immigration field offices at sub­ports nationwide, inatasan nito na magpabakuna ang mga ito bilang hakbang ng gobyerno upang maiwa­san ang pagkalat ng H1N1 strain sa bansa.

“For safety and health considerations due to possible contacr with international incoming passengers who may be infected with the swine flu, all immigration personnel assigned at international airports and seaports are directed to undergo man­­ datory­ vaccination against the said illness,” nakasaad pa sa memorandum ni Libanan.

Naniniwala si Libanan na bagamat kaagad ipag­bibigay-alam ng mga immigration officers ang mga pasaherong pinani­ni­wa­laang may swine flu, kaila­ngan ding sumailalim sa ba­kuna ang mga BI personnel. Sasagutin ng ahen­siya ang gastos sa pagbaba­kuna.

Iginiit nito na madaling maipasa sa isang tao ng kanyang kapwa ang na­sa­bing virus kayat itinaas na ito sa alert level 5 ng World Health Organization.

Kailangan umanong magkaroon ng panlaban ang mga immigration officers dahil sila ang unang humaharap sa mga pasa­hero mula sa ibang ibang bansa.

Kailangan umanong magsimula sa BI personnel sa mga paliparan ang pagiging mapagbantay sa pagkalat ng nasabing virus sa bansa. (Gemma Garcia/Ellen Fernando)

Show comments