^

Bansa

Chess sama na rin sa aralin ng DepEd

-

MANILA, Philippines - Isasama na rin nga­yon ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng paglalaro ng “chess” sa lahat ng pam­publikong elementarya at high school sa buong ban­sa sa layuning ma­ging numero 1 ang Pilipi­ nas sa naturang larangan sa buong mundo.

Ito’y matapos na isang “memorandum of agreement” ang pirmahan nina Education Secretary Jesli Lapus at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president Prospero Pichay sa pag­papasok ng chess sa education system. 

Ituturo ito sa elemen­tarya mula sa ikatlo hang­gang ikaanim na baitang sa ilalim ng araling Edu­kasyon sa Pagpapalakas ng Katawan at sa apat na baitang ng high school sa ilalim naman ng araling Physical Education.

Sinabi ni Lapus na napatunayan na ang pag­lalaro ng chess sa mu­rang edad ay nakaka­tulong sa paghasa ng kaisipan ng isang bata, mas tumataas ang marka at mas madaling maka­intindi ng mga aralin. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDU

EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

ISASAMA

ITUTURO

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

PHYSICAL EDUCATION

PROSPERO PICHAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with