^

Bansa

P90-milyon kailangan ng DOH

-

MANILA, Philippines - Aabot sa P90 milyon ang kailangan pondo ng Department of Health upang mapaghandaan ang posibleng outbreak ng H1N1 virus (swine flu) na sinasabing puma­tay sa 168 katao sa Mexico.

Sa kanyang pagkikipagpulong sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na inatasan na niya ang kan­yang Health Emergency and Management Department na magsagawa ng “comprehensive budgetary requirement” upang agad na mabigyan ng kaukulang  proteksiyon ang publiko sakaling maapektuhan ang Pili­pinas ng  “influenza”.

Ipinaliwanag naman ni Health Undersecretary Mario Villaverde na kailangang mabili ang karagdagang anti-viral drug na Oseltamivir, mga personal protective equipment tulad ng masks; gastusin para sa mga field operations at support services; at pondo para sa “critical” hospitals na pagdadalhan ng mga pasyente na infected ng virus.

Sakaling infected ng influenza ang isang tao agad itong dadalhin sa ospital. Ilan sa mga ospital na tatanggap ng pasyente na may influenza ay ang Regional Institute for Tropical Medicine sa Alabang, San Lazaro Hospital, Lung Center of the Philippines, Vicente Sotto Medical Center sa Cebu, at ang Davao Medical Center sa Davao. (Doris Franche/Joy Cantos)

vuukle comment

DAVAO MEDICAL CENTER

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH EMERGENCY AND MANAGEMENT DEPARTMENT

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

HEALTH UNDERSECRETARY MARIO VILLAVERDE

JOY CANTOS

LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

REGIONAL INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with