MANILA, Philippines – Ganap nang naging bagyo ang isang low pressure area na namataan sa Mindoro na pinangalanang Crising.
Ang bagyong Crising ay namataan ng PAGASA kahapon alas-11 ng umaga na nasa layong 380 kilometro kanluran ng San Jose Occidental Mindoro taglay ang pinakamalakas na hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Samantala, namataan sa Albay ang isa pang low pressure area.
Ang naturang bagyo at LPA ay magdadala ng mga pag-uulan sa buong Southern Luzon, Metro Manila, Visayas provinces, Bicol Region, Quezon, Mindoro, Marinduque, Masbate at Samar.
Sakaling maging bagyo ang naturang LPA, tatawagin itong bagyong Dante. (Angie dela Cruz)