Intelligent card ilulunsad ng LTFRB

MANILA, Philippines - Ilulunsad ng Universal Transport Accident Solutions Inc., at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang UNITRANS Intelligent card para mas ma­daling masugpo ang mga pekeng Insurance policy na bumibiktima sa mga lehitimong Public Utility Vehicle operators at drivers.

Ayon kay Lui Gamit, general manager ng UNITRANS, sa pamama­gitan nito ay madaling malalaman kung ang Isang PUV ay may passenger accident Insurance at Comprehensive Third Party Liability at nasa Ilalim ng programa ng LTFRB na “All Risk No Fault Policy”.

Ito din ay libre para sa mga drivers at sa gob­yerno.

Nakatakdang pasina­yaan ni LTFRB Chairman Alberto Suansing sa da­rating na Hunyo ang na­sabing Intelligent card.

Show comments