Solons na manonood sa Pacquiao-Hatton sa US pinapa-quarantine dahil sa swine flu

MANILA, Philippines - Gustong mangyari ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson na i-quarantine ang lahat ng mga kongresista na magtutungo sa Esta­dos Unidos para manood ng laban ni People’s Champion Manny ‘Pac­man’ Pac­quiao kontra Ricky Hatton sa Linggo.

Ayon kay Joson, lu­ma­lala ang epekto ng tinagu­riang ‘swine influenza virus’ hindi lang sa Amerika, Mexico at sa iba pang mga bansa.

Sinabi ni Joson, hindi makakaila na ang mga kongresistang nanood ng laban ni Pacquiao ay pue­deng mahawaan ng sakit lalo’t may ‘swine flu virus’ ang isa sa mga manood nito dahil hindi biro ang sasaksi sa labanan Pac­quiao vs. Hatton sa Mayo 3.

Sinabi ni Joson, hindi na­ man masama kung sa­kaling uuwi sila ng bansa at isailalim sila sa quarantine para makatiyak na hindi sila ang magdadala nito pag-uwi nila.

Tanging sina Speaker Prospero Nograles at Rep. Monico Fuentebella pa lang ang umamin na pupunta sa Las Vegas para manood ng laban pero nilinaw na sariling gastos nila ang biyahe.

Ayon naman kay acting Manila Mayor Francisco ‘Isko” Moreno, isang safety measure na i-quarantine ang mga pulitiko na mang­gagaling sa panonood ng Pacquiao-Hatton fight upang matiyak na walang  Filipino na infected ng swine flu.

Ang Las Vegas ay ma­lapit lamang sa Mexico samantalang ang swine flu ay nakukuha sa human to human at hindi imposible na may mga taga-Mexico  ang manonood ng nasa­bing laban. (Butch Quejada/Doris Franche)

Show comments