Pinay bibitayin sa Taiwan!

MANILA, Philippines - Isang Pinay ang na­haharap sa parusang kamatayan sa pama­ma­gitan ng firing squad sa Taiwan dahil sa kasong murder.

Nabatid na sa Mayo 4 na ang itinakdang pag­baba ng hatol ng Taiwan Apellate Court kay Cecilia Alcaraz, isang guro sa Laguna na unang nag-plead ng not guilty sa pagpatay sa kanyang job broker noong Setyembre 2007.

Bunsod nito, humingi na ng saklolo kay Pa­ngu­long Gloria Arroyo at sa Department of Foreign Affairs ang da­lawang anak ni Alcaraz na sina Jherome,18 at Efhraim, 16 na makialam na sa kaso ng kanilang ina dahil sa pangam­bang mahatu­lan ng firing squad.

Umaasa at dinadala­ngin ng pamilya Alcaraz na mapapawalang-sala ang nasabing OFW sa nasabing murder case.

Show comments