^

Bansa

Villar pinayuhang mag-resign

-

MANILA, Philippines – Pinayuhan kahapon ni Senador Panfilo “Ping” Lac­son si Senador Manny Villar na magbitiw na lang sa puwesto bilang mam­babatas kung tatanggi pa rin itong humarap sa committee of the whole na siya nang mag-iimbestiga sa P1.2 bilyong right of way ng C-5 Road project.

Ipinasya ng mataas na kapulungan na buuin ang sarili nito bilang Committee of the Whole ma­karaang kuwestyunin at tanggihan ni Villar ang awtoridad ng Senate Ethics Committee na nau­nang naatasang magsi­ya­sat sa double insertion sa C-5 budget na kan­yang kinasangkutan.

Sinabi ni Lacson na kung natatakot si Villar na humarap sa Committee of the Whole, pu­ wede na itong magbitiw sa pu­westo upang ma­kaiwas sa pag­tatanong ng mga kasama­hang senador.

Samantala, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na ninais niya na bukas o Huwebes si­mulan ang pagdinig ng committee of the whole na kanya ring pamu­munuan.

Kampante si Enrile na dadalo sa hearing ang lahat ng senador at hindi ito iisnabin ni Villar upang linisin ang kan­yang pa­ngalan mula sa mga aku­sasyon. (Malou Escudero)


COMMITTEE OF THE WHOLE

ENRILE

HUWEBES

IPINASYA

KAMPANTE

MALOU ESCUDERO

SENADOR MANNY VILLAR

SENADOR PANFILO

SENATE ETHICS COMMITTEE

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with