Resolusyon sa kaso ni Ted Failon ipapalabas na

MANILA, Philippines – Inaasahang ipapalabas na ng Quezon City Prosecutors Office sa unang linggo ng Mayo ang reso­ lusyon sa kasong obstruction of justice na naunang isinampa ng pulisya laban sa ABS-CBN broadcaster na si Ted Failon at sa mga kasambahay nito kaugnay ng pagkamatay ng asawa niyang si Trinidad Etong.

Papatak sa Mayo 1, 2009, araw ng Biyernes ang ika-15 araw na pana­hon para makapagpalabas ng resolusyon si Prosecutor Mary Jean Pamittan subalit, dahil natapat ito sa Labor Day, maaaring sa Mayo -4 na maglalabas ng desisyon kung kakasuhan sa korte o hindi sina Failon.

Inihain ng Quezon City Police ang kaso dahil sa paglilinis nina Failon at ng kanyang mga katulong sa banyong kinatagpuan kay Trina bago pa man du­mating ang mga imbesti­gador kaya nawala na ang kinakailangang mga ebi­densya.

Pinaniniwalaang nag­pa­ti­wakal si Trina bagaman may iba pang teoryang ti­nitignan ang mga awtori­dad. (Angie dela Cruz)


Show comments