Resolusyon sa kaso ni Ted Failon ipapalabas na
MANILA, Philippines – Inaasahang ipapalabas na ng Quezon City Prosecutors Office sa unang linggo ng Mayo ang reso lusyon sa kasong obstruction of justice na naunang isinampa ng pulisya laban sa ABS-CBN broadcaster na si Ted Failon at sa mga kasambahay nito kaugnay ng pagkamatay ng asawa niyang si Trinidad Etong.
Papatak sa Mayo 1, 2009, araw ng Biyernes ang ika-15 araw na panahon para makapagpalabas ng resolusyon si Prosecutor Mary Jean Pamittan subalit, dahil natapat ito sa Labor Day, maaaring sa Mayo -4 na maglalabas ng desisyon kung kakasuhan sa korte o hindi sina Failon.
Inihain ng Quezon City Police ang kaso dahil sa paglilinis nina Failon at ng kanyang mga katulong sa banyong kinatagpuan kay Trina bago pa man dumating ang mga imbestigador kaya nawala na ang kinakailangang mga ebidensya.
Pinaniniwalaang nagpatiwakal si Trina bagaman may iba pang teoryang tinitignan ang mga awtoridad. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending