^

Bansa

Presyo ng langis ibinaba

-

MANILA, Philippines – Bunga ng kaliwa’t ka­ nang batikos, napilitan nang magtapyas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang kompa­niya ng langis simula ka­gabi.

Alas-6:00 ng gabi nang ipatupad ang P1 rollback ng kompaniyang Pilipinas Shell sa presyo sa kada-litro ng kanilang kerosene, diesel at gasolina.

Ayon kay Shell vice pre­ sident for communications Roberto Kanapi, ang nasa­bing rollback ay ikina­sa ng kanilang kompanya bunga na rin ng patuloy na pagba­ba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matapos naman ang ginawang pag-anunsiyo ng Shell, agad namang sinun­ dan ito ng independent player na Seaoil. Ayon kay Seaoil spokesman Rey Jimenez, P1 rin ang kani­lang ipinataw na rollback sa kada-litro ng kanilang pro­duktong diesel, gasolina at kerosene.

Samantala, inatasan kahapon ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr. ang Bureau of Internal Revenue at ang Commission on Audit na pabuksan at silipin ang book of accounts ng Pilipi­nas Shell, Caltex Philippines at Petron Corporation para maimbestigahan kung bakit nagtataas ng presyo ng langis ang naturang mga kumpanya.

Kaugnay ito ng petisyon ng Social Justice Society na humiling na buksan ang libro ng mga naturang kum­panya ng langis para ting­nan kung totoong nalulugi o nagsasamantala lamang ang mga ito sa presyo. (Rose Tesoro at Doris Franche)


AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CALTEX PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

REY JIMENEZ

ROBERTO KANAPI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with