^

Bansa

50 % ng pulisya isasailalim sa gun proficiency test

-

MANILA, Philippines – May 50 porsiyento la­mang ng mga pulis ang isasailalim sa gun proficiency test para higit pa silang mahasa sa pag-asinta sa mga tinutugis na elementong kriminal at wanted sa batas. Ito ang nilinaw kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa matapos na ula­nin ng mga pagpuna ang pulisya dahil 10 porsi­yento lamang sa kabu­uang 125,000 nitong puwersa ang mga sharpshooter na labis na lu­mikha ng alarma sa panig ng publiko.

Unang ibinunyag ni National Police Commission Commissioner Luis Mario General na 10 porsiyento la­mang ng mga pulis ang asintado o tumatama sa mga target kaya dapat magsanay ang mga ito.

Nilinaw naman ni Ver­zosa na ang 10 porsi­yen­tong tinutukoy ni General ay alinsunod lamang sa ma­taas na paman­tayan ng International Defensive Pistol Association.

Sinabi niya na, kung ibabase sa pamantayan ng PNP, nasa 50 por­siyento lamang sa mga pulis ang dapat na mag­sanay pa sa paghawak at pag-asinta sa mga target. (Joy Cantos)


vuukle comment

INTERNATIONAL DEFENSIVE PISTOL ASSOCIATION

JOY CANTOS

NATIONAL POLICE COMMISSION COMMISSIONER LUIS MARIO GENERAL

NILINAW

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

SHY

SINABI

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with