Bidding ng automated machine di tuloy
MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) sa Mayo 4 ang bidding process sa mga automated machine na gagamitin sa May 2010 automated polls.
Ayon kay Comelec Spokesman Arthur James Jimenez, director ng Comelec-Education and Information Division (EID), kinansela ang schedule ngayong Lunes dahil sa paglalabas ng bagong bid bulletin ng Comelec.
Nakasaad sa bagong bid bulletin na ang bawat bid na tatanggapin ng Comelec ay hindi na dapat kasama ang tax at import duties.
Alinsunod umano sa batas, dapat ang procurement ng automated machines ay tax free, na hindi umano naging malinaw sa mga bidders.
Matatandaang una nang itinakda ng Comelec ang pagbubukas ng bid prosposals para sa automation project ngayong araw na susundan sana ng technical evaluation ng mga makina mula Abril 30 hanggang Mayo 8. (Doris Franche)
- Latest
- Trending