^

Bansa

Decentralization program ng Bureau of Immigration nagpapalakas sa ekonomiya, lilikha ng bagong trabaho

-

MANILA, Philippines – Maging sa Baguio City ay dinala na ng Bureau of Immigration ang decentralization program nito upang makapagbigay dito ng trabaho at mapalakas ang lokal na ekonomiya.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino Libanan, dinala sa naturang lung­sod ang programa para umakit sa mga dayuhang bisita at negosyante, at lumikha ng maraming trabaho kung saan ito ang pangunahing misyon ng gobyerno sa gitna ng global economic crisis.

Mas magiging madali din aniya sa halos 800,000 turista at 100,000 dayuhan na karamihan ay Koreano na pansaman­ talang naninirahan dito na mabigyan ng serbisyo ng BI.

Sa pamamagitan ng SVEG, binigyang diin ni Libanan na maaakit ang mga dayuhang nakatira sa Baguio na magpasok ng puhunan sa iba’t ibang patok na industriya sa siyudad, na magreresulta sa dagdag na trabaho para sa mga residente dito.

Kasabay ng pag­lulunsad ng SVEG dito, inilunsad din ni Libanan ang Visa Issuance Made Simple (VIMS) process upang mapabilis ang proseso ng visa application sa BI field office dito.

Una ng dinala ng BI ang decentralization program nito sa Zamboanga City sa timog at Laoag City sa hilagang bahagi ng bansa. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BAGUIO CITY

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

KASABAY

LAOAG CITY

LIBANAN

VISA ISSUANCE MADE SIMPLE

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with