Mega job fair ilulunsad sa Labor day

MANILA, Philippines – Isang mega job fair ang ilulunsad sa Rizal Park sa Luneta ng Department of Labor kaalinsabay sa May 1 Labor Day celebration.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, bi­lang kapalit sa nakaga­wiang militar ay civic parades, mas pagtutuunan ng pansin ang job fairs kung saan ma­ kikinabang ang mga nag­hahanap ng tra­baho.

Si Remonde ang uupo muna bilang executive secretary sa loob ng pitong araw matapos umalis ng bansa si Executive Secretary Eduardo Ermina ka­hapon patungong Geneva upang dumalo sa isang meeting ng United Nations Commission on Human Rights.Si Re­monde rin ang mangunguna sa mga akti­bidad na ga­gawin para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. (Malou Escudero)

Show comments