Mega job fair ilulunsad sa Labor day
MANILA, Philippines – Isang mega job fair ang ilulunsad sa Rizal Park sa Luneta ng Department of Labor kaalinsabay sa May 1 Labor Day celebration.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, bilang kapalit sa nakagawiang militar ay civic parades, mas pagtutuunan ng pansin ang job fairs kung saan ma kikinabang ang mga naghahanap ng trabaho.
Si Remonde ang uupo muna bilang executive secretary sa loob ng pitong araw matapos umalis ng bansa si Executive Secretary Eduardo Ermina kahapon patungong Geneva upang dumalo sa isang meeting ng United Nations Commission on Human Rights.Si Remonde rin ang mangunguna sa mga aktibidad na gagawin para sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending