^

Bansa

Crisis committee wala ng kontak sa kidnappers: Nasaan na si Vagni?

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Mahigit isang linggo ng walang kontak sa Abu Sayyaf ang crisis management committee ng International Committee of the Red Cross (ICRC) habang hindi pa rin ma­tagpuan ang nalalabing bihag na si Italian Euge­nio Vagni. 

Ayon kay Sulu Governor at ICRC Crisis Ma­ nage­ment Committee Chair­man Sulu Gov. Ab­dusakur Tan, simula ng palayain ang ikalawang bihag na si Andreas Notter noong Abril 18 ay nawalan na sila ng kontak sa mga kidnappers.

Sinasabing si Vagni ay hindi na umano hawak ng grupo ni Abu Sayyaf Com­mander Albader Pa­rad at naipasa sa ibang grupo ng mga bandido bagay na patuloy na bi­neberipika ng militar.

“We lost contact with the kidnappers,“ ani Tan na sinabi pang umaasa silang nasa ligtas na ka­lagayan si Vagni sa kabila ng gumagrabe nitong sakit na hernia o luslos na kinakailangan ng maope­rahan bukod pa sa hypertension na pinangangam­bahang lumikha ng kom­plikasyon sa kanyang puso.

Nauna nang nagp­a­labas ng P500,000 reward si PNP Chief Director General Jesus Ver­zosa para sa sinumang makapagtuturo at maka­pagbibigay ng impor­masyon sa kinaroroonan ni Vagni matapos uma­nong abandonahin na ng kanyang mga kidnapper sa bahagi ng Talipao at Indanan, Sulu.

Sa kabila nito, igi­nigiit naman ng Joint Task Force Comet na pinamu­munuan ni Major General Juancho Sabban na ha­wak pa rin ng mga ban­didong Abu Sayyaf si Vagni.

Batay sa report sa apat na raid na isinagawa ng pinagsanib na ele­mento ng pulisya at Philippine Marines dakong alas-9 kamakalawa ay bigo silang matagpuan si Vagni sa bahagi ng Sitio Kansirun, Brgy. Mahala, Talipao, Sulu.

Sa halip ay apat na ina­bandong safehouse ng mga lider ng Abu Say­yaf ang natagpuan sa lugar.

Natagpuan rin ang dalawang non-engine Jungkung Type watercrafts at isang kulay dilaw na Toyota na walang gu­long sa unahan.

Dahil dito, sinisilip ang posibilidad na na­ ilipat na ng lugar si Vagni at ma­aring wala na sa bundok.

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COM

ALBADER PA

ANDREAS NOTTER

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VER

COMMITTEE CHAIR

CRISIS MA

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

SHY

VAGNI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with