^

Bansa

28 partylists prinoklama na

-

MANILA, Philippines - Taliwas sa inaasahan, inihayag ng Commission on Elections na 28 bagong partylists lamang ang naiproklama kahapon matapos na maglabas ng desisyon ang Korte Suprema.

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, hindi umano nila maaaring iproklama ang lahat ng nakalista sa SC bunsod na rin ng mga kasong kinakaharap ng mga ito.

Kabilang na dito aniya ang FPJMP na disqualified habang nakabinbin naman ang disqualification case laban sa Batas partylist.

Sinabi pa ni Melo na sa panig naman ng Yacap at Cocofed, pinag-uusapan pa ang ilang mga kontro­bersiyal na isyu kabilang na  kung ilang puwesto ang ibibigay sa mga ito.

Matapos ang proklamasyon ng 28 partylists, maaari nang mag-oath ang mga ito sa Lunes kay House Speaker Prospero Nograles. (Doris Franche)

AYON

BATAS

COCOFED

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

DORIS FRANCHE

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

KABILANG

KORTE SUPREMA

MATAPOS

MELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with