^

Bansa

Job-generating visa inilunsad ng Bureau of Immigration sa Laoag

-

LAOAG, Ilocos Norte, Philippines - Pinangunahan ni Bureau of Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang paglulunsad ng Special Visa for Employment Generation (SVEG) na naka­pagbigay ng 1,113 trabaho sa larangan ng turismo at mining Industry dito.

Dinaluhan din ito ni House Speaker Prospero Nograles at ilang mamba­batas at mga local executives kung saan pinapuri­han ang BI sa naturang proyekto na umakit ng maraming foreign Investors sa bansa para maka­kuha ng maraming tra­baho.

Kabilang sa mga su­maksi sa paglulunsad ng SVEG ay sina Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina, Isabela Rep. Edwin Uy, Cebu Rep. Antonio Cu­enco, Tarlac Rep. Jesli Lapus, Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo, Mountain Province Rep. Victor Dominguez at Ilocos Norte Rep. Roque Ablan.

Sinabi naman ni Nog­rales na malaki ang naitu­long ng mga proyekto ni Libanan sa gitna ng krisis pinansiyal na nararanasan ngayon sa buong mundo.

Sa nasabing paglulun­sad, 23-dayuhang employers ang tumanggap ng bagong visa na magbibi­gay sa kanila ng indefinite stay sa bansa dahil sa pagkakaroon ng hindi bababa sa 10 Pilipinong empleyado.

Target ng bagong job-generating visa na ma­kalikha ng 100,000 trabaho sa unang taon nito, ini­lunsad din ni Libanan ang Visa Issuance Made Simple (VIMS) process sa BI Laoag Field Office bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga turista rito kasunod ng muling pagbubukas ng international flights sa Laoag International Airport kama­kailan. (Butch Quejada)

ANTONIO CU

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

BUTCH QUEJADA

CEBU REP

EDWIN UY

EMPLOYMENT GENERATION

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

IGGY ARROYO

ILOCOS NORTE REP

ILOCOS SUR REP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with