MANILA, Philippines – Umaabot sa 30 kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang kumpirmado nang magtataas ng singil sa kanilang matrikula sa darating na pasukan matapos na makahabol sa Abril 1 na palugit na itinakda ng Commission on Higher Education (CHED) para sa pagsusumite ng petisyon para sa “tuition increase”.
Pinangalanan ni CHED Chairman Dr. Emmanuel Angeles ang mga ito na ang Asia Pacific College, Asian Institute of Maritime Studies, Assumption College, Ateneo De Manila University (Quezon City), CAP College Foundation Inc., Dr. Carlos Lanting College, Far Eastern University, FEU-East Asia College, Jose Rizal University, Lyceum of the Philippines University, Manila Central University, Manila Law College, Miriam College.
Kabilang rin sa magtataas ang National University, O.B. Montessori Center Inc., Philippine College of Criminology, Philippine School of Business Administration (Manila and Quezon City campus), Sienna College, St. Luke’s College of Medicine, St. Scholastica’s College, University of Perpetual Help Rizal, University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center at University of the East-(Caloocan at Manila campus). (Danilo Garcia)