^

Bansa

Pangungurot at pamamalo sa mga bata bawal na

-

MANILA, Philippines – Katulad sa House of Representatives, isinusu­long na rin sa Senado ang panukalang batas na nag­lalayong ipagbawal ang pagpapataw ng corporal punishment sa mga bata katulad ng pamamalo at pangungurot matapos matuklasan sa isang survey na 85% ng mga ba­tang Pinoy ay nakaranas nang pananakit sa loob mismo ng kanilang ta­hanan.

Sa inihaing Senate Bill 3167 o Anti-Corporal Punishment Act of 2009 na inihain ni Senator Jose “Jinggoy” Estrada, sinabi nito na kalimitan nang gumagamit ng corporal o physical punishment ang mga magulang sa Pilipinas sa pag-disiplina sa kani­lang mga anak.

Kabilang sa mga ma­ituturing na corporal punishments ang pamamalo sa pamamagitan ng ka­may o kahit na anong bagay, pangungurot, pa­mimingot, pananabunot, pagsampal, pagsilid sa sako, pagsigaw at iba pang uri ng pananakit.

Sa survey ng Save the Children in the Philippines, 85% ng mga batang ka­nilang-na-survey ay na­karanas nang pananakit sa loob mismo ng kanilang tahanan, at 82% rito ay napalo sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa mga lugar naman na sakop ng UNICEF program sa bansa, lumabas na 60% ng mga kaba­ba­ihan ay gumagamit ng isa o higit pang uri ng psychological o physical punishment sa pagdisiplina ng kanilang anak.

Sa survey na isina­gawa sa mga mag-aaral. karamihan sa mga ito ay nakaranas ng verbal abuse o pagmumura na nagiging dahilan upang magkaroon sila ng maba­bang self-worth, depression, galit at aggression.

Ayon na rin umano sa mga tinanong na mga bata, hindi nila gusto ang nararanasang pananakit at umaasa sila na may ibang paraan o “non-violent ways” sa pagdisiplina.

Ituturing ding corporal punishment ang hayagang pagpapabaya sa mga bata at hindi pagbibigay ng kanilang pangangailangan bilang parusa. (Malou Escudero)


ANTI-CORPORAL PUNISHMENT ACT

AYON

HOUSE OF REPRESENTATIVES

ITUTURING

MALOU ESCUDERO

SAVE THE CHILDREN

SENATE BILL

SENATOR JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with