MANILA, Philippines – Isang shallow low pressure area (SLPA) ang namataan kahapon sa hilagang bahagi ng Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa PAGASA, ang low pressure ay namataan sa layong 350 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City kasabay ng intertropical convergence zone na nakakaapekto sa Luzon, Visayas at Eastern Mindanao.
Ang Luzon, Visayas at Eastern Mindanao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.
Ang Metro Manila naman ay patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan dulot ng low pressure area at ITCZ. (Angie dela Cruz)