^

Bansa

IT provider pinasususpinde

-

MANILA, Philippines - Ipinasususpinde kay Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao ng isang Private Emission Test Center ang isang IT service provider ng mabigo itong i-upload ang mga litrato ng mga sasakyan sa LTO-IT system.

Sa rekomendasyon ni Atty. Benjamin Mora, chairman ng PETC-monitoring team, kay Lomibao, dapat parusahan ang Cyberlink Worldwide Network Inc., dahil sa paglabag nito sa memorandum order RIB-2007-83 ng Department of Transportation and Communication ng mabigo ito sa realtime at sa paglalagay ng mga litrato sa internet ng mga sasakyan sa LTO.

Una na rin sinuspinde ng isang buwan ang nasa­ bing kompanya dahil sa katulad na paglabag.

Layon ng LTO na ma­ba­wasan ang katiwalian ng ilang PETC na nagsasa­gawa ng non-appearance sa smoke emission testing sa tuwing nagpaparehistro na dagdag sa problema sa polusyon.

Pinatawan ngayon ng anim na buwang suspension ang Cyberlink at pinag­mumulta ng P70,000. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BENJAMIN MORA

CRUZ

CYBERLINK

CYBERLINK WORLDWIDE NETWORK INC

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

IPINASUSUSPINDE

LAND TRANSPORTATION OFFICE CHIEF ARTURO LOMIBAO

LAYON

PRIVATE EMISSION TEST CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with