Commemorative plates babawiin

MANILA, Philippines – Makikipag-ugnayan ang Land Transportation Office­ sa Kongreso para suriing mabuti ang pagbawi ng mga commemorative plates.

Ayon kay LTO Chief Arturo Lomibao, kinakailangang makipagkoordi­nas­yon muna sila sa mababang kapulungan ng kongreso, particular na kay House of Representatives Secretary General Barua-Yap, para maiwasan na rin ang pagkakaroon ng suliranin kung sakaling bawiin ang mga nasabing plaka.

Unang sinabi ni Yap na bawiin ang mga nasabing plaka dahil di naman ito otorisado ng kamara at naabuso pa dahil hindi naman kongre­sista ang personal na guma­gamit nito kundi ang kani-kanilang mga kaanak at kaibigan lang. (Angie dela Cruz)


Show comments