^

Bansa

Kabanata ni Erap sa pulitika tapos na, ayon sa ilang obispo

-

MANILA, Philippines – Tinutulan ng ilang Obispo ng Simbahang Katoliko ang plano ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na muling tumakbo sa May 2010 presidential elections.

Ayon kay Bishop Martin Jumoad, tapos na ang kabanata ni Estrada sa pulitika kaya dapat na isantabi na lamang ng dating lider ang personal ni­tong ambisyon at hu­wag nang tumak­bo sa halalan.

Sinabi ni Jumoad na, kung talagang nais ni Erap na magkaisa ang mga Pilipino, da­pat na magsilbi na la­mang itong “unifying force” para sa oposis­yon at magkaroon na lamang sila ng isang “presidential conten­der.”

Iginiit pa ng obispo na tapos na ang kaba­nata ni Erap sa pulitika at dapat nitong ibigay na lamang sa isang magaling at bagong breed ng pulitiko ang pangarap na maging pangulo ng bansa.

Sa panig naman ni Caloocan Bishop Deo­gracias Iniguez, taga­pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs, sinabi nito na “duda” siya kung dapat nga bang tumakbong muli sa halalan ang dating pa­ngulo.

Pinayuhan niya si Estrada na tingnan at pag-aralan muna ang kanyang sariling sit­was­yon at gayundin ang kanyang kakaya­han upang mabatid kung ano ba talaga ang kaya pa niyang gawin para sa bansa. (Mer Layson)

BISHOP MARTIN JUMOAD

CALOOCAN BISHOP DEO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES-EPISCOPAL COMMISSION

ERAP

MER LAYSON

PANGULONG JOSEPH

PUBLIC AFFAIRS

SHY

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with