MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na lumalalang suliranin na kinakaharap ng bansa, nagkaisa ang 30,000 grupo ng mga volunteers para isulong ang pagbabago ng pulitika sa darating na 2010 elections.
Ayon kay Leon “Porong” Herrera, presidente ng Bagumbayan Movement, ang sitwasyon ng pulitika sa bansa ang siyang itinutu rong dahilan ng seryoso at lumalalang problema dahil sa mga tinatawag na transactional politics o pulitiko na ganid sa pera at kapangyarihan.
Iginiit ni Herrera kabilang sa mga problemang ito ng bansa ay malawakang korupsyon, kriminalidad, sistema ng edukasyon, kakulangan ng health care services, pagtaas ng presyo ng pagkain, kawalan ng trabaho at awayan at mga trahedya.
Upang matapos na ang pamamayagpag ng pulitika, dapat bigyan ng mas seryosong konsiderasyon ng publiko kung sino ang nararapat na iboto sa darating na eleksyon dahil nangangailangan na ang bansa ng mga pinuno ng may adhikain, may matagal na karanasan at magandang record.
Pormal na inihayag ng mga lider ng grupo na kanilang napupusuan si Senador at Philippine National Red Cross (PNRC) Chairman Richard Gordon upang maging pinuno ng bansa na siyang may kapasidad dahil sa kanyang magandang track record.
Pabor din ang Bagumbayan at ibang grupo na atasan ang Comelec na ipatupad ang pilot testing ng Automated Elections.