^

Bansa

30,000 volunteers nagkaisa sa pagbabago ng bansa

-

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na lumalalang suliranin na kinakaharap ng bansa, nagkaisa ang 30,000 grupo ng mga volunteers para isulong ang pagba­bago ng pulitika sa dara­ting na 2010 elections.

Ayon kay Leon “Porong” Herrera, presidente ng Bagumbayan Movement, ang sitwasyon ng pulitika sa bansa ang siyang itinutu­ rong dahilan ng seryoso at lumalalang problema dahil sa mga tinatawag na transactional politics o pulitiko na ganid sa pera at kapang­yarihan.

Iginiit ni Herrera ka­bilang sa mga problemang ito ng bansa ay malawa­kang korupsyon, kriminali­dad, sistema ng edukas­yon, kakulangan ng health care services, pagtaas ng presyo ng pagkain, kawa­lan ng trabaho at awayan at mga trahedya.

Upang matapos na ang pamamayagpag ng puli­tika, dapat bigyan ng mas seryosong konsiderasyon ng publiko kung sino ang nararapat na iboto sa darating na eleksyon dahil nangangailangan na ang bansa ng mga pinuno ng may adhikain, may mata­gal na karanasan at ma­gandang record.

Pormal na inihayag ng mga lider ng grupo na kanilang napupusuan si Senador at Philippine National Red Cross (PNRC) Chairman Richard Gordon upang maging pinuno ng bansa na siyang may ka­pa­sidad dahil sa kanyang magandang track record.

Pabor din ang Bagum­bayan at ibang grupo na atasan ang Comelec na ipatupad ang pilot testing ng Automated Elections.

AUTOMATED ELECTIONS

AYON

BAGUM

BAGUMBAYAN MOVEMENT

CHAIRMAN RICHARD GORDON

COMELEC

DAHIL

HERRERA

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with