^

Bansa

Youth role palalakasin

-

IMUS, Cavite, Philippines - Tiwala si Imus Vice Mayor Mandy Ilano na magiging kapaki-pakinabang ang dinaluhan nitong pagtitipon ng mga elite group ng mga youth government officials sa 2nd ASEAN Leadership Executive Program (LEP) para na rin sa patuloy na pagpapalakas ng sector nito sa kanilang munisipalidad.

Si Mandy ay kadarating lang mula sa Singapore at kumatawan sa bansa para sa nabanggit na pagtitipon na inorganisa ng National Youth Council ng Singapore at dinaluhan ng 35-outstanding youth officials at leaders.

Layon ng programa na palawakin pa ang kakayahan ng mga leader ng kabataan dahil malaki at importante ang ginagampanan ng mga ito saan mang bansa.

“Ang pagtitipon na yun ay nagturo sa akin na ma­kisalamuha at kumuha ng mga pananaw at idea mula sa iba’t-ibang Asian leaders na magbibigay daan para maki­pag-ugnayan tayo sa kanila at maibahagi din nila ang magagandang proyekto at gawain nila sa kanilang bansa para sa ikagaganda ng ating youth sector,” ani Llano.

Kabilang din sa objectives nito ay payagan ang mga kalahok na magdagdag ng organizational development tools sa strategic planning at management ng kanilang organisasyon, gayundin ang pag-develop sa kanilang leadership at management skills sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad tulad ng seminar, workshops at leadership­ development courses. 

IMUS VICE MAYOR MANDY ILANO

KABILANG

KANILANG

LAYON

LEADERSHIP EXECUTIVE PROGRAM

NATIONAL YOUTH COUNCIL

PARA

SI MANDY

TIWALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with