GMA nakiramay sa pamilya ni Ted Failon

MANILA, Philippines - Ipinabot ni Pangulong Arroyo ang pakikiramay nito sa pamilya ni ABS-CBN news anchor Ted Failon sa pagyao ng kanyang kabiyak na si Trinidad.

Sinabi ni Pangulong Arroyo sa kanyang men­sahe na binasa ni Press Secretary Cerge Re­monde, ramdam din nila ang pinagdaanan ni Ted Failon kagaya ng na­ramdaman ng mga na­walan din ng mahal sa buhay.

Hinimok din ni Sec. Remonde ang publiko na bigyan ng pagkakataon at igalang ang pamilya ng broadcaster na makapag­luksa ng pribado at iwa­sang makadagdag sa pagdadalamhati ng pa­milya ni Failon.

Pinaalalahanan din ng Malacanang ang pulisya na maging professional sa kanilang isinasa­ga­wang imbestigasyon at irespeto ang lahat ng karapatang pantao sa kanilang ginagawang imbestigasyon. (Rudy Andal)

Show comments