Kahit nag-suicide, Bangkay ni Trina puwedeng ipasok sa simbahan
MANILA, Philippines - Maaaring ipasok sa simbahan ang labi ni Trinidad Etong, misis ni ABS-CBN news anchor Ted Failon, kahit na ito ay nag-suicide.
Aminado si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na batay sa tradisyon noon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga nagsuicide dahil ang pagpapakamatay ay labag sa Diyos.
Sa panayam kay Cruz, sinabi nito na ang simbahan na ang nagdedesisyon da hil ang pagkitil sa sariling buhay ay gawain ng isang tao na wala sa wisyo.
Sa kaso umano ni Etong, hindi matino ang pag-iisip nito nang isagawa ang pagpapakamatay noong Miyerkules sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang isang 380 calibre pistol.
Kasabay nito, sinabi din ni Capiz Archbishop Onesimo Gordoncillo na hindi rin nila kinokondena ang tao na nagpakamatay dahil ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang nilalaman ng puso ng isang tao. (Doris Franche)
- Latest
- Trending