MANILA, Philippines - Upang lalong mabigyan ng serbisyo ang mga OFW, naglagay na ang pamahalaan ng sariling embahada sa Syria.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, binuksan na ang Philippine Embassy sa Damascus, Syria na naglalayong mapagsilbihan ang mga lumalaking bilang ng mga Pinoy doon.
Bukod dito, magiging daan din ang embahada upang mapapatatag ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Syria pagdating sa political at economic ties kung saan magsisilbing ugnayan ang nasabing tanggapan ito ng pamahalaan na nasa Gitnang Silangan.
Sinabi ng DFA na ang embahada sa Syria ay ikinonsidera na isa sa mga mahahalagang tanggapan dahil kadalasang ginagawang transit point ang naturang bansa para sa mga Pinoy na na-repatriate kapag nagkakaroon ng krisis sa Middle East.
Sa tala ng DFA, umaabot na sa 17,000 OFWs ang kasalukuyang nasa Syria na ngayon ay mabibigyan na ng serbisyo ng embahada. (Ellen Fernando)