^

Bansa

Philippine Embassy sa Syria itinayo

-

MANILA, Philippines - Upang lalong ma­big­yan ng serbisyo ang mga OFW, naglagay na ang pa­mahalaan ng sa­riling em­bahada sa Syria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, binuksan na ang Philippine Embassy sa Damascus, Syria na naglalayong mapag­sil­bihan ang mga luma­laking bilang ng mga Pinoy doon.

Bukod dito, magiging daan din ang embahada upang mapapatatag ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Syria pagdating sa political at economic ties kung saan magsisilbing ugnayan ang nasabing tanggapan ito ng pama­halaan na nasa Gitnang Silangan.

Sinabi ng DFA na ang embahada sa Syria ay ikinonsidera na isa sa mga mahahalagang tanggapan dahil kadalasang ginaga­wang transit point ang naturang bansa para sa mga Pinoy na na-repatriate kapag nagkakaroon ng krisis sa Middle East.

Sa tala ng DFA, uma­abot na sa 17,000 OFWs ang kasalukuyang nasa Syria na ngayon ay ma­bibigyan na ng serbisyo ng embahada. (Ellen Fer­nando)

AYON

BUKOD

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FER

GITNANG SILANGAN

MIDDLE EAST

PHILIPPINE EMBASSY

PILIPINAS

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with