^

Bansa

137 Pinoy drivers na naloko sa Dubai hinanapan ng trabaho sa Qatar

-

MANILA, Philippines - Wala ng dapat ipag-alala ang may 137 Filipino bus drivers na bumagsak na walang trabaho sa Dubai dahil mayroon na silang magiging trabaho sa Qatar.

Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde, nahanapan ng trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 137 Pinoy drivers na naloko sa Dubai.

Sinabi ni Remonde na inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Labor Sec. Marianito Roque na tulungan ang 137 Pinoy drivers na bumagsak na walang tra­baho sa Dubai at kasuhan ang recruiters ng mga ito na CYM International Services.

Inutusan din ng Pa­ngulo si Roque na iproseso ang employment ng mga driver sa Dubai o sa iba pang lugar sa Middle East.

Hiningan ng recruitment agency ng P150,000 placement fee ang mga Pinoy drivers kapalit ng magandang suweldo bi­lang bus drivers sa Dubai. (Rudy Andal)

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DUBAI

INTERNATIONAL SERVICES

LABOR SEC

MARIANITO ROQUE

MIDDLE EAST

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PINOY

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with