^

Bansa

Simbahan 'wag gawing beach, seksing damit bawal

-

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Ca­tholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsi­simba na huwag gawing beach ang simbahan kasabay ng pagbabawal ng pagsusuot ng mga seksing damit.

Ayon kay Bishop Leonardo Medroso ng Diocese of Tagbilaran, Bohol marami pa rin ang nagdadamit ng mga ma­iigsi at mga strap na damit na hindi angkop sa sim­bahan.

Aniya, dapat ding itama ng publiko ang damit na kanilang isusuot sa pag­pasok sa simbahan kung saan haharap ka sa Diyos.

Partikular na tinukoy dito ang “short shorts” at ang mga backless na damit.

Binigyan-diin ni Med­roso na ang simbahan ay place of worship at dapat na bigyan ng respeto at pagpapahalaga.

Iginiit ni Medroso na hindi na rin dapat pang ipinaaalala sa publiko ang tamang dress code sa pagpasok sa simbahan dahil sagrado ang lugar.

Sa katunayan umano maging sa mga kasalan ay pinaaalalahanan nila ang mga ito hinggil sa plunging neckline ng gown ng mga brides. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

BINIGYAN

BISHOP LEONARDO MEDROSO

BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

BOHOL

DIOCESE OF TAGBILARAN

DIYOS

DORIS FRANCHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with