^

Bansa

Ikakasal na Pinoy patay sa sagasa sa Saudi

-

MANILA, Philippines - Hindi na matutuloy ang planong pagpapakasal ng isang Pinoy sa kanyang nobya matapos na masawi ito nang aksidenteng ma­bangga ng isang sasakyan na minamaneho ng isang teenager na nagdyo-joyride umano sa Saudi Arabia noong nakaraang linggo.

Sa ulat ni Consul Leo Tito Ausan Jr. na naka­rating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nagdya-jogging ang biktimang si Ryan D. Fajardo sa isang kal­sada sa lungsod ng Taif, nang aksidente itong ma­bangga ng isang kotse dakong 10:00 ng umaga noong Abril 9 (Huwebes).

Naniniwala ang mga kasamahan ni Fajardo na nagdyo-joyride lamang ang suspek nang ma­bangga ang biktima, na pauwi na sana mula sa pagdya-jogging.

Hindi na umano na­iwasan ni Fajardo ang kotse nang pa-zigzag itong sumalubong sa kanila, kaya’t tumilapon pa umano ang katawan ng biktima nang mabangga siya ng sasakyan.

Mabilis naman uma­nong humarurot palayo ang behikulo matapos ang pangyayari ngunit na­aresto rin ang suspek ng mga concerned citizen na humabol dito.

Hindi naman pinanga­lanan ang suspek na lumi­litaw na isang menor de edad, at sinamahan ng kan­yang ama nang huma­rap sa mga awtoridad.

Isinugod sa paga­mu­tan si Fajardo ngunit na­matay din matapos ang dalawang oras dulot ng internal hemorrhage.

Nabatid na nadurog din ang buto sa balakang ng biktima at nabali ang buto nito na nagku-konekta sa kanyang beywang at pelvic bone dahil sa tindi ng impact ng pagkaka­bangga.

Nakatakda na sanang umuwi ng Pilipinas ang biktima upang pakasalan ang kanyang nobya.

Tiniyak naman ni Ausan na tutulungan nila ang pamilya ng biktima na makamit ang hustisya. (Mer Layson)

ABRIL

AUSAN

CONSUL LEO TITO AUSAN JR.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FAJARDO

HUWEBES

MER LAYSON

RYAN D

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with