^

Bansa

22 Pinoy seamen binihag na naman sa Somalia

-

MANILA, Philippines - May 22 pang Pinoy seamen ang binihag ng mga Somali pirates sa Gulf of Eden kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay lu­lan ng barkong M.V. Irene E.M. na patungo sa India nang harangin ito ng mga pirata sa naturang karagatan.

Naganap ang insi­dente kahit hindi pa napa­palaya ang halos 100 tri­pulanteng Pinoy na na­unang na-hijack ng mga piratang Somali. 

Ayon kay Ed Malaya, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, mula sa dating bilang na 98, umakyat na sa 120 Filipino seaman ang ha­wak ngayon ng mga Somali pirates.

Samantala, ikinokon­sidera na ng Malacañang na pagbawalan ang mga Pinoy seamen na suma­kay sa mga barkong da­daan sa Gulf of Aden sa Somalia.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er­mita na humihingi na sila ng rekomendasyon mula sa Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment kung kailangan bang mag­pa­tupad ang gobyerno ng ban.

Tiniyak naman ni Er­mita na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga ito at mahigpit ang gina­gawang monitoring sa hakbang ng mga manning agencies para mapa­laya ang mga Filipino seafarers.

Lumiham na rin ang Pilipinas sa United Nations kaugnay sa tuma­taas na bilang ng nabibi­hag na Pinoy seamen sa Somalia. (Ellen Fernando/Rudy Andal)

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ED MALAYA

ELLEN FERNANDO

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

GULF OF ADEN

GULF OF EDEN

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with