MANILA, Philippines - Mismong si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ang nagbabala kahapon sa mga nagsusulong ng Charter Change na dadalhin ng Senado ang usapin sa Korte Suprema sa sandaling ipasa ng House of Representatives ang resolusyon na nananawagan para sa pagbabago ng Konstitusyon.
Sinabi ni Santiago na hihilingin ng mga senador sa Mataas na Hukuman na dapat magkaroon ng hiwalay na botohan ang dalawang kapulungan ng Kon greso kaugnay sa resolusyon.
Ipinaliwanag ni Santiago na nakasaad sa Konstitusyon na dapat magkaroon ng sabay pero magkahiwalay na botohan ang dalawang kapulungan ng kongreso. (Malou Escudero)