MANILA, Philippines - Nilagdaan kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang executive order na nagdedeklara na non-working holiday sa buong bansa ang November 27-28 kaugnay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha.
Ginawa ni Pangulong Arroyo ang paglagda sa EO sa Fairmont Hotel sa Dubai sa harap ng mga Muslim congressmen mula sa Min danao na kasama ng Pangulo sa kanyang Dubai trip.
Ang pagdedeklara ng holiday ng November 27-28 ay magbibigay permiso sa mga Muslim na magtungo sa Mecca sa Saudi Arabia para sa kanilang pilgrimage.
Ang Eid al-Adha ang ikalawang Islamic festival na ipinagdiriwang ng 1.6 bilyong Muslim sa buong mundo kabilang ang 10 milyong Filipino Muslims. (Rudy Andal)