Energy tax lalansagin

MANILA, Philippines - Bubuwagin ng Sena­do ang lahat ng buwis na lubhang pabigat sa taum­bayan lalu na ang may kinalaman sa enerhiya.

Ito ang tiniyak kaha­pon ni Senate President Juan Ponce Enrile na nagsabing bibigyang pra­yoridad ng Senado ang pagbaklas sa mga “pahi­rap” na buwis at “anomal­ya” sa industriya ng kur­yente upang maib­san ang pasanin ng taum­bayan sa harap ng tumitin­ding ‘global financial crisis.’

Sa bisa ng SB 3148 na inakda ni Enrile, tat­long porsiyento na lang ang sisingilin na buwis ng gob­yerno mula sa kasalu­kyang P1.46/kwh sa natural gas, isa sa likas na ya­man ng bansa na ginaga­mit ng mga power distribution companies na pang­gatong sa paggawa ng kuryente.

Ayon kay Enrile, ang sobrang buwis ng pama­halaan sa “nat-gas” ang da­hi­lan kung bakit “arti­pisyal” ang presyo ng kur­yente sa Pilipinas at mas mahal pa kumpara sa ba­yad sa kuryente sa Japan.

Kumpara umano sa mga karatig-bansa tulad ng Malaysia, Indonesia at Vietnam, isa na uma­nong “anomalya” na ma­itutu­ring ang sistema ng gob­yerno sa pagbuwis sa nat-gas at iba pang “indigenous energy sour­ces.”

Kumpara sa P1.46/kwh na buwis sa nat-gas, lumabas sa pag-aaral ni Enrile na P0.17/kwh lang ang buwis sa uling/kar­bon; P0.20/kwh sa imported na langis at P0.29/kwh sa LPG. (Malou Escudero)


Show comments