100 Pinoy drivers stranded sa Dubai: Namumulot ng basura para makakain

MANILA, Philippines - Mahigit 100 driver na Pilipino ang naistranded at namumulot na lang ng basura para may makain sa Dubai, United Arab Emi­rates dahil sa pagka­bigo nilang makakuha ng trabaho sa naturang ban­sa makaraang legal na maipadala sila rito ng kanilang recruiting agen­cy na CYM International Services Inc..

Ito ang ibinunyag ka­hapon ng Blas Ople Center na nagsabi pa na, ba­tay sa kuwento ng mga driver, nagbayad sila ng hanggang P150,000 processing fee sa CYM ka­palit ng pangako nitong ikukuha sila ng trabaho sa Roads and Transport Authority, isang transport agency ng pamahalaan ng Dubai.

Ilan sa mga driver, ayon kay BOPC Head Susan Ople, ay noon pang Enero naghihintay na ma­bigyan ng trabaho ng RTA.

“Tumitira ngayon ang mga naistranded na dri­ver sa mga tambakan at namumulot ng basura para may makain,” sabi ni Ople.

Hiniling ni Ople sa Philippine Overseas Employment Administration na imbestigahan at sus­pendihin ang CYM at ang counterpart nitong ahen­sya sa Dubai na Al Too­moh Technical Services.

Samantala, sinabi ka­hapon ni Press Secretary Cerge Remonde na may 250 employer sa UAE, Syria, Aman, Kuwait, Libya, Nigeria at iba pang bansang Arabo na kukuha sila ng may 200,000 manggaga­wang Pilipino

Ginawa ng mga employer ang pangako nang makapulong sila ni Pa­ngulong Gloria Macapa­gal Arroyo sa isang job summit sa UAE kahapon.

Sinabi ni Remonde na karamihan sa mga traba­hong kailangan ay mula sa construction, information technology, hotel and restaurant at welders. (Mayen Jaymalin at Rudy Andal)


Show comments